Sunday, February 17, 2008

Ano ang Paranaque City Scandal? At sino si Salvador 'Buddy' Sanchez?

Magalang po kaming lumalapit at humihingi ng tulong sa inyo dahil po sa aming suliranin tungkol sa nagging mabigat naming suliranin sa inuupahang bahay namin dito sa Paranaque.

Lima po kaming magkakasamang umuupa sa isang bahay na malapit sa Malacanang Village na pag-aari ni Ginoong Salvador Sanchez. Nagsimula po kaming tumira noong Nov. 14, 2007. Ang renta po sa bahay na iyon ay P6,000 kada buwan. Oct. 29 pa lamang po ay nagbayad na kami ng isang buwang paunang bayad at isang buwang deposito na nagkakahalagang P12,000 ( 1 month advance & 1 month deposit).

Noong nagbayad po ako at tiningnan ang bahay, mayroon po akong mga bagay na ibinilin sa may-ari tungkol sa pagsasaayos ng mga kasiraan sa bahay at ipinangako po ni ginoong Salvador na isasaayos nya ang mga iyon hanggang sa aming paglipat ng Nov. 14, 2007.

Makalipas ang ilang araw, bago pa kami lumipat, ay binisita kong muli ang bahay na iyon para makita kung maayos na. Ngunit hindi pa rin nagbabago. Pinaalalahanan ko pong muli ang nangangasiwa sa bahay na iyon tungkol sa mga kasiraang kailangan kumpunihin (hindi pa po kasi nagpapakita sa amin kahit kailan si ginoong Salvador Sanchez kaya ang lagi po naming kausap patungkol sa bahay ay ang iniwan nyang tagapangasiwa ng bahay na si aling Lisa na kanyang kapitbahay).

Nangako naman po si ginoong Salvador Sanchez, sa pamamagitan ni aling Lisa, na sa paglipat namin ay magiging maayos na ang bahay. Ngunit nang dumating na po ang araw ng aming paglipat at wala pong ipinagbago ang bahay buhat ng huli ko po itong binisita.

(content brought to you by Paranaque City Scandal — http://paranaque-scandal.blogspot.com)

Sa telepono ko lamang po nakakausap ang may-aring si ginoong Salvador Sanchez at kahit na po may mga problema pa rin sa bahay ay hindi pa po sya kailan man nagpupunta at nagpapakita.

Nagpapadala lamang sya ng mga utusan at kahit kailan po ay hindi naibigay sa amin ang susi ng bahay na iyon. Napilitan na lamang po kaming bumili ng padlock pra maisara ang bahay tuwing kami ay aalis.

Habang tumatagal po ay patuloy ko pong inirereklamo ang sitwasyon namin sa bahay. Hindi po kami makapamuhay ng maayos dahil sa mga kasiraan nito tulad ng tumutulong bubong, tumatagas na tubo, baradong inidoro, baradong daanan ng tubig sa CR, masukal na banyo, butas sa pintuan na maaaring suutan ng magnanakaw, at marami pa pong iba.

Para lamang maisaayos ang mga inirereklamo po namin sa bahay ay nag-advance pa ulit kami ng P4,000 dahil wala na daw pong pera si ginoong Salvador Sanchez sa mga panahong iyon para maipang-pagawa ng mga kasiraan sa bahay.

Naayos naman po ang ilan sa mga ito tulad ng pagpapalit ng inidoro at pag-aayos ng tubong tumatagas, pero ang karamihan po sa mga ito, lalo na ang mga kritikal na mga bagay tulad ng mga butas sa bubungan (tag-ulan po kasi nuon at lagai po kaming binabaha sa loob ng bahay)at ang malaking butas na maaaring pagsuutan ng magnanakaw puwera pa po sa iba pang mga kasiraan nararapat isaayos ay nanatiling hindi inaaksyunan.

(content brought to you by Paranaque City Scandal — http://paranaque-scandal.blogspot.com)

Hindi na po kami makapamuhay ng maayos sa bahay na iyon kaya nagkasundo po kami ni ginoong Salvador Sanchez na aalis nalang po kami sa bahay. Nakatira lang po kami doon mula Nov 14, 2007 hanggang Nov 24, 2007. Halos mahigit isang linggo lang po.

Bilang konsiderasyon, nagkasundo po kami na ang P12,000 na advance & deposit na binayad namin noong una ay ibabalik na lamang nya kapag may umupa ng muli doon. At para sa itinira naman namin ng 10 araw ay sinabi ko nalang na hindi ko na kukunin ang P4,000 na ini-advance pa ulit namin para sa ipinang pagawa ng bahay. Sobra-sobra pa nga po iyon para sa 10 araw na itinira lamang namin sa bahay.

Malinaw po ang usapan namin noon na ibabalik ang pera naming P12,000 kapag may lumipat na. Napagkasunduan din namin na maglalagay ng karatula sa bahay nya na “For Rent” para mabilis na maupahan. Pinagkasunduan naming lahat ng iyon sa telepono lamang. Hindi na po ako nakapaghanda ng anumang kasulatan dahil sa lubos kong pagtitiwala sa kanya sapagkat sya ay empleyado sa Munisipyo ng Paranaque.

Bago pa po kami umalis ay naglagay na kami ng karatulang “For Rent” sa labas ng gate. Ngunit ng minsang dumaan po doon ang isa kong kasama, nakita po nyang may nag-iinquire na dalawang ale dun sa may gate ng bahay, kausap si aling Lisa. Sinasabi nya sa mga nag-iinquire na may nakakuha na daw po ng bahay. Sinabi rin nya sa kasama ko na wag na daw mag-paskil ng karatula dahil may nakakuha na nga daw. Kasabay po nun ay bigla nyang tinanggal ang paskil na nasa gate sa harapan ng mga nag-iinquire at ng aming kasama.

Tinext po namin si Ginoong Salvador kung may nakakuha na po ng bahay. Ang sabi nya po ay hindi nya po alam yun at dadaanan nalang po nya si aling Lisa ukol sa bagay na iyon. Pinuntahan po namin si aling Lisa ukol sa kanyang sinabi dahil parang di po ata alam ni Salvador Sanchez na may nakakuha na ng bahay.

Nung tinanong na po namin si aling Lisa ukol sa pagkakakuha ng bahay, sinabi lamang po nya na wala pa daw nakakakuha ng bahay. May nag-inquire daw po sa kanya pero wala pang nakakakuha ng bahay dahil wala pa daw namang nagbabayad sa kanya. Taliwas po ito sa naunang sinabi nya kaharap ang mga aleng nag-iinquire at ang isa ko pong kasama. Nagkaroon na po kami ng hinala na para bang ayaw nilang paupahan ang bahay para hindi kami mabayaran. Dahil bakit naman po nya sinabi sa mga nag-iinquire na may nakakuha na ng bahay at ipinagbawal pa kami na magpaskil ng karatula kung wala pa naming nakakakuha doon sa bahay.

(content brought to you by Paranaque City Scandal — http://paranaque-scandal.blogspot.com)

Para magkaroon ng uupa sa bahay, naglagay nalang po kami ulit ng karatula na “For Rent” sa harap ng gate. Isang araw po, binisita po ulit ng kasama ko ang sitwasyon sa bahay at nakita po nya na parang sinadyang punitin ang karatulang inilagay namin na “For Rent”. Nagdikit nalang po sya ulit ng karatula.

Binisita nya po ulit ang karatula sa labas kinabukasan pagkagaling nya ng trabaho at nakita nyang parang sinadyang punitin at tanggalin na naman ang ipinaskil nyang karatula. Malinaw po na may sadyang nagtatanggal ng aming idinidikit na paskil sa labas ng gate.

Noong alas 10 ng gabi po ng Dec 19,2007, nagdikit na naman po (sa ikaapat na beses na) ang kasama namin ng karatula na “For Rent”. Kinabukasan po ng alas 6 ng umaga, maaga po nyang binisita ang bahay na iyon para alamin kung nakadikit pa rin ba ang karatulang inilagay namin ngunit nakita nyang may nagtanggal na naman niyon.

Nakarekord po sa Video ang ginawa nyang pagpapaskil nung kinagabihan at ang pagkawala ng paskil nung binisita nya ito nung kinaumagahan, patunay na talagang may ayaw magpaalam na ang bahay na iyon ay bakante upang hindi kami mabayaran.


Naisip po ng kasama ko na maglagay nalang ng patalastas (advertisement) sa internet ukol sa pinapaupahang bahay na iyon upang makahanap na kami ng lilipat sa bahay.

(content brought to you by Paranaque City Scandal — http://paranaque-scandal.blogspot.com)

Isang buwan pa ang nakalipas at palagi po akong nagte-text at tumatawag sa may-ari ng bahay ngunit kahit isa po ay wala pong sumasagot sa akin kahit halos araw-araw akong nagtetext at tumatawag.

Isang araw ay may nag-inquire po sa amin. Nakita nya ang patalastas na ginawa namin sa internet. Tinext ko na naman po si Ginoong Salvador Sanchez at sinabing may nakuha na po kaming lilipat sa bahay.

Nung itext ko po iyon sa kanya ay sinagot nya ako ng “cnu ito?”. Sumagot naman po ako na “c trisha po ito. May lilipat na po sa bahay nyo. Di ba may usapan po tayo noon na pag may lilipat ay ibabalik nyo na ang pera namin”. Tapos ay sumagot sya ng “Sori di kita kilala”.

Ipinagtatanung po namin sa mga kalapit-bahay doon kung paano po ba namin makokontak si Buddy (dahil iyon lang po ang pakilala nya sa amin. Di pa po namin alam noon na Salvador Sanchez ang totoo nyang pangalan). Ngunit para bang inililihim nila ito sa amin. Tinatanong po namin kung saan ba ang bahay nya, saan ba banda sa munisipyo sya nagtatrabaho, at kung ano ba talaga ang totoo nyang pangalan. Ngunit lahat sila, pati na si aling Lisa na katiwala nya sa bahay na iyon ay walang maisagot. Lagi naming itinatanong kung ano ba ang totoo nyang pangalan para mahanap namin sya sa munisipyo ng Paranaque pero ang sagot nilang lahat ay hindi nila alam. Basta Buddy lang daw ang alam nilang pangalan nya.

Malakas po ang kutob naming pinagkakaisahan kami ni Buddy at ng kanyang mga kapitbahay upang di namin sya mahanap. Nagsadya po kami sa munisipyo at ipina-hanap pa ang titulo ng may-ari ng bahay na iyon para lamang malaman namin ang totoong pangalan ni Buddy.

(content brought to you by Paranaque City Scandal — http://paranaque-scandal.blogspot.com)

Sa titulo po sa munisipyo namin nalaman na ang bahay na iyon ay pag-aari ni Salvador Sanchez na isang hepe ng PADAC sa Munisipyo ng Paranaque.

Ngayong January po at binisita namin po ulit ang bahay na iyon at nakitang may nakatira na doon. Pinuntahan namin si aling Lisa upang kunin na ang pera namin dahil may nakalipat na nga sa bahay. Ang sagot lamang nya ay papaalisin daw yung nakatira dun sa bahay dahil hindi daw nagbabayad ng renta. Pinuntahan ko naman po yung mismong nakatira dun sa bahay at sinabi nilang nagbayad naman daw sila ng advance at deposit para dun sa bahay.

Sinadya ko na rin po si ginoong Salvador Sanchez sa tanggapan nya sa PADAC sa Paranaque ngunit hindi ko rin po sya nakausap.

Sana po ay matulungan nyo ako sa aking problema. Mahirap lang po ako at napilitang magtrabaho dito sa maynila na malayo sa aking mga mahal sa buhay para lamang po makatulong sa aking pamilya. Pagod at pawis din po ang ipinuhunan ko para mabuo lamang ang P12,000 na iyon at di birong halaga po iyon para sa mahirap lang na taong katulad ko.

Umaasa po akong sa tulong ng Dios ang sa pamamagitan po ninyo ay magkaroon ng solusyon ang aking problema.

--Trisha

(content brought to you by Paranaque City Scandal — http://paranaque-scandal.blogspot.com)